My Account

Kinny Maestre / KLASH – A master in progress

share

Kinkin Maestre or simply Kinny is getting better in every way.  He also goes by the name ‘KLASH’, this artist from Lapinig, Northern Samar is fast maturing into a fine man and already taking on responsibilities.

“Ang natutunan ko sa buhay is hindi tayo palaging bata. Tumatanda po tayo kaya isipin natin lahat ng bagay sa mundo kung papaano natin ito gagawin ng walang tinatapakang tao”, says Kinkin.

Kinny Maestre Klash A Master In Progress (3)

“At huwag maghihilahan pababa. Kasi tayo pong lahat ay magkakapatid at nagsimula sa baba at sabay sa maaabot ang taas ng tagumpay sa buhay.”

Kinkin has been most visible on his social media platforms. “I play the guitar and nag ko-cover ako ng mga trend na kanta sa YouTube Channel at Facebook page ko.  Balak ko din gumawa ng sariling music para may maambag ako sa music industry.”

Kinny is gaining new perspective, but his taste in music remains classic rock – a format that evolved in the 80s.  “Gusto ko talaga yung music lalo na pag classic rock.  Naaastigan ako sa mga rakista sa panahon ng 80s to 90s.”

“Isa sa nagbigay inspirasyon sa akin ay si Slash ng Guns N’ Roses, yung lead guitarist ng banda.  Siya talaga yung idolo ko kaya ginagawa ko mga techniques niya sa pag gigitara at gusto ko yung music taste niya.” Referring to Slash, one of the ‘greatest guitarists in rock history’.

Kinny discovered his love for music at a young age. “Nakita ko yung friend ko na tumutugtog ng acoustic guitar.  Namangha ako. Kaya ginusto ko rin matuto mag-gitara.”

“Noong birthday ko, binilhan ako ni Papa ko ng acoustic guitar.  Nagsimula akong mag-aral ng gitara.  Tinuruan ako ni Papa ng 3 chords at simple strumming. At hinayaan na niya akong madiscover ang ibang techniques kung paano mag-gitara ng mas maayos.”

On his own, Kinny was determined to learn. “Mahirap para sa akin na aralin yung gitara na mag-isa at walang nagturo ng maayos.  Hindi pa ako nakaka-YouTube noon kasi wala akong cellphone at wala din internet sa amin hahaha.  Ang ginawa ko is nagpabili na lang ako ng song book na may mga chords or simple chords. After many year ay nag-excel naman ako.”

He shares his struggles as an artist. “Sa pagrerecord naman, napakahirap na yung mga gamit ko ay mga mumurahin at may diperensya.  So tiis-tiis muna kasi walang pambili.  Pero nagagawa ko naman ng maayos yung pagre-record kahit mahirap.”

Taking on his persona as KLASH, Kinny has a soft spot for his followers. “Ginagawa ko yung mga covers ko for my supporters kasi naghihintay sila sa mga new uploads ko. Sila rin ang lakas ko para maipagpatuloy ang pag-uupload ng new covers.

Kinny has people to thank. “Nagpapasalamat ako sa mga tao na sumusuporta sa akin. Sa Mama ko sa pagbibigay ng tulong sa pagbili ng ibang gamit ko sa music.  Sa Papa ko…  Kay Haruki Matsuo na tumulong sa akin noong nagsisimula pa lang kaming dalawa.  Ang masasabi ko lang sa mga supporters ko ay marami pa kayong mapapakinggan na mga covers at mga gawa kong music.  So abangan ninyo lang yan.”

His advice to fellow artists. “Magpatuloy lang kayo kahit anong problema, hirap, at kawalan ng gana.  Magpatuloy lang tayo. Kung hindi kaya eh mag-take a rest muna at pagnaka-pahinga ka na ay balik na kaagad sa ginagawa mo.”

“Kasi may supporters man o wala, may manunood pa rin sa music or sa art mo.  At pag may isang naka-discover sa mga gawa mo ay dadami at dadami sila na mag susupport sa iyo.”

And his message for Mendira Media.  “Salamat at nabigyan ako ng spotlight sa inyo.  Nagpapasalamat  din ako dahil marami kayong natutulungang mga artists na mag-grow.  Sana po ay maging matatag po ang samahan dito hanggang sa dulo. At marami pa po kayong matulungan.  God bless po sa Mendira family. And alam kong dadami pa po tayo dito.

Kinny Maestre Klash A Master In Progress (2)

Kinny is starting to learn the ropes of the industry, just as he is exploring life outside of his comfort zone. But this young man is surely built tough and becomes even wiser to face the challenges of the real word.

Follow KLASH on: Facebook | YouTube

Disclaimer: NO copyright infringement intended. Lyrics and Music belong to its rightful owners. Posted for public fair use only. Video is purely for entertainment purposes only.

VP Ragus

VP Ragus

Founder, Professional Writer. Seasoned Editor. Integrated Marketing Communications Expert. Beer Drinker.

Leave a Reply

: