My Account

The steady rise of Pot Jesalva

share

Pot Jesalva knows his music, can create upbeat songs with well-crafted lyrics, and take on a good performance in the virtual stage.

“Yung Pot is my nickname lang. Ayoko kasi ng tinatawag ako sa real name ko na Reynaldo S. Jesalva Jr kasi feeling ko pang matanda. Kaya Pot na din ang ginamit ko na rap name or artist name. Yung J is first letter lang sa last name ko”, says Pot

The Steady Rise Of Pot Jesalva (4)

“Dati isa din akong mahiyain na bata at hindi ako nakikipaghalubilo sa ibang bata. Pero paunti-unti nung nagkakaibigan na ako, dun ko nalaman na mas masaya pala kapag may kaibigan kang masasandalan.”

A young music artist and a student at the same time, Pot can surely put on a balancing act. “I am currently a Grade 11 ABM student at malapit na ang start ng aming class. Kaya nilalaan ko muna ang aking oras sa music. Napagsasabay ko naman ang music at studies ko. Kapag may homework and school activities ay ginagawa ko na agad para kapag gabi or madaling araw nakakapag-record ako o nakakapagsulat ng kanta.”

The Steady Rise Of Pot Jesalva (2)

“Malaking bagay na din na online lang ang klase dahil sa bahay lamang nag-aaral at nagagawa din ang mga gustong gawin.  Kapag gusto mo talaga ang isang bagay at pinapangarap mong makuha may paraan, madaming paraan nasasayo na lang kung paano mo ito hahanapin at aabutin.”

The Steady Rise Of Pot Jesalva (12)

“Nagstart ako na mahilig sa music noong bata pa ako. Mga 8 or 9 years old ay nakikinig na ako ng rap music dahil din sa impluwensya ng kuya ko na dati ding nagra-rap. Nagstart naman akong sumulat ng kanta noong Grade 8 pero nahihiya ako na ibahagi sa iba ang aking kakayahan. Tanging mga kaibigan na malapit lamang ang nagtutulak sa akin na i-pursue ang aking talent.”

The Steady Rise Of Pot Jesalva (7)

“Sa musika ko din nahanap ang aking mga father figures – yung mga nalikha talaga ng totoong musika na may mapupulot at matututunan ka tulad nila Loonie, Ron Henley, Gloc 9, at iba pa.”

“First release ko ng video sa Facebook was September 7, 2020. Kaka-start lang ng pandemya at madami naman naka-appreciate ng aking talent.  Doon ko napagtanto na kung ano talaga ang aking hilig.  Noong una ay trip trip lang sa pag rarap pero nalaman ko na meron pala talaga akong talento sa pag gawa ng kanta at madami ding nagulat na kaya ko pala gumawa ng kanta at ayun nagtuloy tuloy na nga ang journey ko bilang rap artist.”

The Steady Rise Of Pot Jesalva (10)

“Marami din akong nakilala na Facebook friends na puro rappers na tinatanungan ko kung paano yung ganyan at ganito.  Malaking bagay din sila sa pagiging artist ko dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi ako matuto sa mga bagay na alam ko ngayon.”

The Steady Rise Of Pot Jesalva (9)

“Ang music influences ko ay sina Skusta Clee, Flow G, Gloc 9, Francis M, Kiyo, at marami pang iba. Bukod sa magagaling silang artists ay naiinspire din ako sa kwento ng mga buhay nila. Kung paano nila napagtagumpayan kung anong mayroon sila ngayon at dahil sa sipag at tiyaga nila. Sila din ang aking tinitingala dahil sa pagiging mabuti nilang tao at mabuting anak at asawa kaya dapat talaga bukas lagi ang isip mo para matuto hindi lang sa pag gawa ng kanta pati na rin sa kung paano ang tamang pag-uugali bilang tao.  At tama yung sinasabi ng matatanda na pumili ka ng iidolohin mo, yung role model kumbaga at hindi ako nagkamali sa mga napili ko kasi hindi lang puro success ang naipakita nila sa marami pati mga failures nila ay nai-share nila kaya pinipilit kong iwasan yung mga bagay na yun.”

The Steady Rise Of Pot Jesalva (13)

Pot is exploring his versatility via different genres. “Ang main genre ko is rap, RnB, and lofi. Pero hindi ako nagii-stick sa isang genre. Kahit papaano ay nageexplore pa ako sa iba’t-ibang genre kasi baka doon ko mahanap ang tunay na ako at yung kaya ko pang gawin. At dapat lang mag explore sa mga bagay bagay hindi lang sa musika dahil dito ka mag go-grow bilang tao at bilang artist kaya hindi dapat na magstick ka lang sa isang genre.”

The Steady Rise Of Pot Jesalva (8)

“Sa music ko nahanap ang mga tunay na makakasama ko sa pangarap. Yun ang F.HOOD Music – noong nagsisimula pa lang ako ay na-ispotan ako ni Razz yung gumawa ng grupo. Nakita niya yung sipag at pagpupursigi ko bilang baguhan kaya kinausap niya ako para sa isang project at doon na nagtuloy tuloy hanggat umaattend na kami sa mga gigs kahit pandemic. Sila din yung dahilan kung bakit hindi ako tumitigil sa pag abot ng aking pangarap dahil lagi akong sinasabihan na magpatuloy lang at huwag hihinto dahil balang araw makikilala din ang aming mga likha at mapapakinggan din ng maraming tao. Kaya sobrang thankful ako na nakahanap ako ng bagong pamilya at mga kaibigan ng dahil sa musika.”

“Ang isang tunay kong kaibigan na tumulong sa akin ay si Usopscott.  Hindi lang sa music niya ako tinulungan kundi pati na rin sa mga problema ko. Nagpapasalamat ako ng malaki kaya kapag ako ay nakilala at umangat ay isasama ko rin siya.”

The Steady Rise Of Pot Jesalva (5)

He talks about challenges encountered. “Napapansin at naranasan ko na hindi sila maniniwala sa iyo hangga’t wala kang napapatunayan. Pero hindi ko naman na binibigyang halaga ang mga bagay na ‘yun – bagkos mas lalo ko pang ginagalingan at hinuhusayan hindi para sa kanila kundi para sa aking sarili at sa aking pangarap.”

“May mga times pa na yung akala mong kaibigan na totoo at susuporta sa iyo, sila pa pala yung patagong may hate at inggit sa iyo.  Minsan din kahit sariling pamilya at kadugo mo ay hindi agad maniniwala sa kakayahan mo kaya dapat talaga paniwalaan mo ang sarili mo.  Sa umpisa at huli ay sarili mo lang ang kakampi mo.”

“Ngayong pandemic ay mas dinadalasan ko ang paglabas ng mga free verse rap lofi ko sa Facebook. Sa ganoong paraan ay para na rin akong nagpeperform sa harap ng maraming tao. Hopefully mawala na ang kinahaharap ng mundo at para na din sa ating mga artists na makapag event at magkita-kita muli. Malaking tulong din yung mga online gigs dahil madaming tao ang mas nakakakilala sa iyo at makakakita ng talento mo.”

“As an artist, hanggat kaya ay nais kong maituwid ang pananaw ng mga tao about sa rap. Na hindi lang ito puro bangayan and beefs. Gusto kong ipadinig at ipakita na it’s all about expressing your feelings and thoughts.”

“Hindi porket rapper ka eh kailangan maangas na ang bitawan ng crafts mo. Pwede ka ding tumula tungkol sa ibang bagay na gusto mong iparating sa tao at ako naman – hindi ako naghahangad ng malaki basta masaya ako sa ginagawa ko at mahal ko ang ginagawa ko ay mas nago-grow ako hindi lang bilang artist kundi bilang tao na din.”

Pot discusses some of the works under his belt. “Simpleng Ganda is for all Filipina beauties. Nagawa namin ito dahil napansin ko na maraming naiinsecure sa mukha or kino-compare ang ganda nila sa iba. Sa kanta na ito ay maipapakita na mas nakakabighani ang simpleng kagandahan na taglay ng bawat isa.”

“Another is Magayon. It is a bicolano word ng “maganda”. Pagkatapos ng Simpleng Ganda ay nirelease namin ito kasama ko si Gelo, Fonce, Charle. Para sa mga Bicolana nating kababayan at sa buong kababaihan na din sa bansa.”

He also talks about future plans as his followers are expecting more big things to come. “Ang plano ko kasi is expandable pero ang nakatatak na sa aking isipan at puso ay sana mas lumaki pa ang aking platforms para mas makilala ako ng mga tao at mapakinggan ang aking nga crafts. Kung pandemic and lockdown pa din ay sa mga online gigs and podcast na muna ako siguro lalahok.”

One day, he will emerge as one of the big players in the music scene. “Kapag dumating na ang araw na kilala na ako ng mga tao ay hindi ako magdadalawang isip na tulungan ang mga kapwa kong artists na naguumpisa pa lamang. Hindi din ako magaaksaya ng oras upang makatulong sa bansa sa pamamagitan ng musika. Bakit? Kasi sa musika mo mailalahad ang mga damdaming hindi mo mailabas o maipakita sa iba. At sa musika mo matatagpuan ang mga gagabay sa iyo, hindi lamang sa buhay kundi pati na rin sa pagiging matinong tao – pumili ka lang ng tamang papakinggan mo.”

Presently, Pot is slowly emerging as among the most exciting artists to watch out for. “Abangan ninyo yung irerelease ko kasama yung artist ng Filipina Aye and Morena Girl na Tiktok hits. Malapit na malapit na and I am also working sa Binibini lofi rap ko.”

Likewise, he has people to thank. “Gusto ko magthank you sa family ko at sa mga kasama ko ngayon – Remy Umbag, Michael Singon, Analyn Seva, at Bong Jesalva. Special thanks to Tatay Paul Valle, Gno Carl, Renz Alegre, and to all those supporting me. Sa mga walang sawang nakikinig at sumusuporta sa aking mga likha. Maraming salamat sa inyong lahat!”

His advice to his fellow artists is to not to lose hope. “Huwag mawawalan ng pag-asa. Keep your head up. Lipad lang at huwag magpapatalo sa sariling pag-iisip. Huwag kayo papaapekto sa mga tao sa paligid na hindi sinusuportahan ang crafts ninyo. Maniwala kayo – kilala kayo ng mga iyan at sadyang silently watching lang sila and observing. Kaya once na magsucceed kayo ay lalabas din sila.”

“At lalo ng huwag intindihin o magpaapekto sa negative energy. Dyan ka mawawala sa focus once na inattract mo iyan. Dapat ay dedma lang at magfocus lang sa goal and plans mo. Huwag mo ng iis-stress ang sarili mo.”

“Araw araw ay may chance kang matuto.  Hindi ikaw yung pinakamagaling dahil laging mayroong mas magaling pa sa iyo. Kaya dapat hindi mataas ang tingin mo sa iyong sarili at handa kang matuto para sa ikabubuti at ikagagaling mo bilang artist.”

“Maraming dahilan kaya ako nagpapatuloy sa journey ko hindi lang din para sa akin kundi para na din sa mga taong nakapaligid. Maraming times na sinubok ako ng perseverance, nawawalan ako ng pag asa at nag da-doubt sa sarili ko na hindi ko kaya. Pero naiisip ko na kung kinaya ng iba ay kakayanin ko din. May mga times talaga na dadalawin ka ng pagkatamad pero isipin mo yung mga bagay na kung bakit ka dapat magsipag.”

Pot’s message for Mendira: “Thank you so much Mendira sa pag buo ng community ng mga artists na nangangarap na katulad ko at thank you sa pagtulong sa amin upang makuha ang mga pangarap namin. Sobrang laking pasasalamat sa inyo!”

“Isa ako sa nangangarap at patuloy na inaabot ang pangarap pag dating sa musika. Ang nabiyayaang talento ko mula sa Diyos ay dapat gamitin ng tama, may katuturan, at wag abusuhin.”

With a clear career plan and good materials, it won’t take long that Pot will enjoy a huge rise in popularity and his songs taking over the airwaves.

VP Ragus

VP Ragus

Founder, Professional Writer. Seasoned Editor. Integrated Marketing Communications Expert. Beer Drinker.

Leave a Reply

: