My Account

Danica Joy Talania – Born fighter

share

Danica Joy Talania is a musician for Peace Ambassador and a servant of God. She learned to play instruments as a humbling tribute to her father.

Danica Joy Talania Born Fighter (12)

“My dad is my inspiration. Di ko siya nakilala – since one year old pa lang ako nung na-ambush sila sa Bukidnon. Kaya habang lumalaki ako ay nagtatanong ako kay Mama tungkol kay Papa. At nakuwento niya na si Papa ay magaling sa instruments at sa pagkanta. Nung nalaman ko yun, na-inspire akong mag-play ng instruments.”

Danica Joy Talania Born Fighter (11)

Danica first learned to play the guitar. “Nung mag 8-years old ako, nag decide ako mag-aral kung paano mag-gitara. Lagi ko kasi nakikita ang mga ate at kuya ko na nagja-jamming. Pinapanuod ko lang yung position ng kamay nila pag nag gigitara. Tapos tinry ko at tinanong kung ano bang chords ‘to. Hanggang sa nakabisado ko na lahat ng basic chords.”

Danica Joy Talania Born Fighter (4)

She was also active in school activities. “Naging member ako ng “Rondalla” sa school namin nung elementary. At dun na nagtuloy-tuloy ang pagpe-perform ko sa harap ng maraming tao.”

Danica Joy Talania Born Fighter (5)

“Sa high school ay parte ako ng glee club o ‘Hymno Sto. Niñans’ kung saan nae-express ko ang sarili ko bilang isang musikera at nakakapag-serve rin bilang choir member sa aming Parish.”

Danica Joy Talania Born Fighter (9)

“Naka-buo na rin ako ng banda sa school dahil madalas ay may Battle of the Bands. Sobrang thankful ko dahil kung hindi 1st place eh Champion ang nakukuha naming award. At dahil din sa pagbabanda ay natuto ako mag play ng iba’t-ibang instruments like drums, piano, bass, flute at ukulele.”

However, discouragement also hit Danica for some time. “Nasa kalagitnaan ng high school (probably Grade 9), medyo nawalan ako ng gana i-pursue yung music ko dahil sa problema. Nag-try akong magcover, pero minsan nadedelete ang mga ito dahil may nagre-report.”

Danica Joy Talania Born Fighter (14)

“O di naman kaya ay may taong gagawa ng dummy account para i-chat ako at sabihang ‘Pasikat ka. Di ka naman magaling. Papansin ka lang.’ Nasaktan ako nun at nagdoubt sa sarili ko. Pero may way talaga si Lord para hindi ko pabayaan yung sarili ko.”

Danica Joy Talania Born Fighter (10)

“Nagkaroon ng Music for Peace Camp, kung saan naglakas-loob akong mag-audition dahil nakita ko kung paano sumuporta si Mama at ang mga taong nakapaligid sa akin. Noong nag-audition ako, kasama ko pa si Mama at kapatid ko sa Camp Aguinaldo. Sabi nung isang judge after ko mag-perform ‘Magaling ka. Nasa iyo na yung talent, kulang na lang ng confidence. At alam kong malayo mararating mo sa music industry.’”

Danica Joy Talania Born Fighter (6)

“Then after a week ay naka-receive ako ng text mula sa kanila na natanggap daw ako sa Music for Peace Camp. At iyon ay ginanap sa Taytay, Rizal kung saan nakasalamuha ko ng mga musicians from Luzon, Visayas, at Mindanao. Ay yung 4-day camp ang nagbago ng buhay ko.”

Danica Joy Talania Born Fighter (7)

Danica is into the reggae, pop, rock, classical and indie rock genres. Her biggest music influence is her family. “Una ay yung pamilya ko na mga musikero din. At yung mga hinahangaan kong artist like Yeng Constantino.”

She is thankful for receiving all the support. “Gusto kong magpasalamat unang-una kay Lord dahil lahat ng meron ako ngayon ay galing sa Kanya. Sa pamilya ko, lalo na kay Mama na todo ang suporta sa akin since day one. Sa Teach Peace Build Peace Movement (Music Movement) kung saan na-build ko yung sarili ko. Kay Ms. Michelle Chan na never nagsawang paalalahanan ako na magaling ako at malayo ang mararating ko. Sa mga kaibigan at pinsan kong naniniwala sa akin at patuloy na sumusuporta sa lahat ng covers ko. Pinapangako ko na kasama kayo sa lahat ng maa-achieve ko sa career kong ito dahil kayo ang mga inspirasyon ko para maabot ang pangarap ko.”

Danica Joy Talania Born Fighter (13)

Danica also wants to be an inspiration to others. “As an artist, gusto ko matupad lahat ng pangarap ko. Gusto kong makapag-tapos ng pag-aaral at maging inspirasyon sa mga nagsisimula pa lang sa career nila sa music industry.”

Her advice for fellow aspiring artists is to never stop aiming for their dreams. “Huwag kayong magsawang abutin yung pangarap ninyo. Kung kakaonti man ang sumusuporta, magpasalamat at magpatuloy pa rin. Dahil darating yung panahon na uusbong din tayo, makikilala at magiging inspirasyon sa karamihan.”

“Maraming pagsubok ang dadating pero hindi dapat ‘yon maging hadlang upang tayo ay sumuko bagkus sana’y maging inspirasyon natin yun para ipagpatuloy ang ating mga pangarap.”

Danica’s message for Mendira Media: “Sa Mendira Fam, sana marami pa kayong matulungan at ma-motivate na aspiring musicians. At sana di kayo mag-sawang gawin ang platapormang ito. May God continue to bless you and your growing fam.”

Her final message is meaningful. “Itong iiwan kong kataga ay sana dalhin ninyo habang kayo ay naglalakbay patungo sa pangarap nyo. ‘Huwag nyong hayaang masira ang pangarap nyo ng dahil lang sa iilang tao.’”

Well said Danica.

Her social media platforms:

Facebook Page: D’ MUSIC

YTC: Duhhh Nica

Instagram: @duhhhnica

VP Ragus

VP Ragus

Founder, Professional Writer. Seasoned Editor. Integrated Marketing Communications Expert. Beer Drinker.

Leave a Reply

: