The Jellyace is like a fruity treat but with meaningful substance. These talented young artists from Malabon City are of sweet mix varieties composed of Christianlee Hermoso (frontman, vocalist, and lead guitarist), Francis Layson (vocalist, rhythm guitarist), Karl Clarence Rivera (drummer) and Aljon Sabugar (back-up vocals and bassist).
“Si Christianlee ang nagpasimula ng banda at nagsusulat ng aming mga kanta. Si Francis ay nagsusulat din at may vision na ipagpatuloy ang aming nasimulan. Si Karl ang nagbigay ng pangalan ng banda at nagpasimula din nito. At si Aljon ay isang taon na naming kasama na nagbigay ng bagong buhay sa amin”, says the band members.
The Jellyace was formed in July 27, 2018 with its members coming from different schools and others bands. “Yung reason kung bakit ‘The Jellyace’ ay wala naman significance. Pero way back in 2016 ay may banda sina Karl and Christianlee. May Jellyace sa ref nila Karl kaya yun ang naging pangalan. Noong sinabi niya sa (dating) mga bandmates eh hindi nila tinanggap. Pero noong nabuo na itong banda namin ay official na ang ‘The Jellyace’.”
“Noong una ay hindi namin seseryosohin ito kasi parang wala kaming mapapala. Hanggang sa naisip ni Francis na sumali kami sa Battle of the Bands para subukan kung magiging maayos ba ang aming samahan.”
“Sa una medyo may ilangan at hindi kami kumportable. Pagkatapos ng laban ay naging masaya kami kahit hindi nanalo. Kaya itinuloy na namin ang aming pangarap.”
The band then started getting gigs and front-act invitations to school concerts and events. “Ipinakita namin na kahit kami ay kabataan ay kaya din namin makipagsabayan sa industrya ng musika.”
“Ang nag-influence sa amin ay ang mga kanta ng Eraserheads. Lahat ng cover songs namin ay Eheads. Dahil kasi sa kanila, mas natutunan namin yung halaga ng passion sa musika. Na kahit hindi magaling o gwapo – basta masaya kayo sa ginagawa ninyong musika.”
Through time, they’ve found their own style. “Mas lumalim na yung gusto namin iparating sa mga nakikinig. Mas gusto namin maging personal yung mga ginagawa naming mga kanta. Lumabas kami sa comfort zone kung saan mas gusto namin talakayin ang social issues.”
“Yung mga kanta namin are more on personal dilemma or problems. Hindi na kami pumasok sa mga love songs. Mahirap din kasi manatili sa love song era. Mas masarap makinig ng kanta lalo na kung totoo at hindi lang puro konsepto ng pag-ibig. Pero hindi kami against sa love songs. Mas gusto lang namin maging eye opener sa mga tao at aware sa social issues. Pero tulad ng Eheads, pang masa.”
Along the way, the band met challenges that tested their brotherhood. “Hindi talaga mawawala ang pagsubok. Yung hindi pagkakaunawaan, sagutan, tampuhan, at ang pag-alis ng isa. Noon ay lima kami pero sa hindi inaasahang pangyayari ay umalis ang isang kabanda for personal reasons. Isa ito sa mga pagsubok na hinarap namin dahil napilay kami. Ngunit naging daan din ito para mas mapatatag pa ang aming samahan.”
In time, their bond became stronger. “Lagi namin pinaguusapan kung may problema, lalo na magkakaiba kami ng perspektibo sa buhay. Hindi lagi pareho ang aming mga opinyon, kaya lagi namin iniisip kung ano ang aming goal sa buhay at mga pangarap. Mas kilala namin ang isa’t-isa, kapatid ang turingan hindi lang kabanda”.
For The Jellyace, experience is their best teacher. “Ang mga pagsubok ang naging daan upang makalikha kami ng mga kantang mas may puso na maibabahagi namin sa mga tao. Itong kantang ‘Imahenasyon’ na una naming single ay tungkol sa pagsubok ng bawat isa, at kung paano namin napagtagumpayan sa pamamagitan ng musika at pagsasamahan bilang banda.”
Now, The Jellyace has songs like Imahenasyon, Panaginip, Ekis, and Stare which are gaining good reviews. “Sa totoo lang, ang hirap i-explain ng mga song namin. Mas prefer namin na yung perspective ng mga nakikinig.”
They also talked about career plans. “Ang long term goal is mas lumawak pa yung knowledge namin at mas makilala pa para makapag-inspire sa mga tao. At magkaroon ng mga resources lalo na sa gamit para makapag record at makagawa pa po kami ng mga songs.”
Their followers are also for a treat. “Mas makikilala nila kami sa aming mga kanta. At mas lalawak pa yung gusto naming iparating sa kanila. Hindi lang kami mananatili sa kung ano kami ngayon, kundi lalago pa ang aming musika.”
However, this pandemic has given the band a hard time. “Halos one month na kaming hindi nagkikita-kita. Busy din kasi sa mga academics. Pero may mga plans na rin kami after this pandemic. May mga guestings din sa online gigs.”
“We are planning to release singles and then gagawa ng first album. Marami nang nakahanda at naisulat. Right time na lang para ilabas, hahaha.”
The band has supporters to thank. “Gusto namin magpasalamat sa mga tumulong sa aming lakbayin. Unang-una sa Diyos na nagbigay ng talento namin at sa paggabay sa banda.”
“Sa aming mga pamilya na laging sumusuporta sa aming pangarap. Maraming salamat dahil hindi nila kami iniwan sa ere. Sa mga kaibigan namin na patuloy na nandiyan. Kay Erica Mae Vigo na naniwala na sa amin at patuloy na tinutulungan kami.”
The band’s advice to fellow artists is to sincerely love their craft. “Para sa mga bandang umuusbong pa lamang katulad namin, mahirap talaga sa una pero parte yan ng magandang resulta na ginagawa natin. Huwag nating isipin ang pagsikat o makakuha ng katanyagan. Isipin natin lagi na dapat wala tayong matapakang tao at dapat maka-inspire tayo ng iba. Mahalin natin ang ating musika, huwag ang pera.”
Their message for Mendira: “Maraming salamat sa Mendira sa pagtanggap sa aming banda. Sa suportang binibigay ninyo sa aming manlilikha lalo na sa mga indie artists. Salamat sa pagkakataong maging parte ng inyong pamilya. Isa itong karangalan ng aming banda.”
“Salamat din sa mga ka-Mendirafam sa maluwag na pagtanggap sa amin. At sa inyong patuloy na pagsuporta ay makakaasa din kayo na ipagpapatuloy namin ang pagsuporta sa inyong mga likha.”
A final word from the band. “The Jellyace was a name na walang naniwala noong una. Yung walang dating at hindi sisikat, ganito ganyan. But many times din na napag-uusapan namin ito kung magpapalit ba kami ng name or hindi na. Pero nagstick kami sa reason na dapat nating patunayan na malayo ang mararating ng pangalan na ito.”
The Jellyace as a band is already good… and expect that each member will get even better as experience will mold them to be the artists they aspire to be.
Follow The Jellyace on their social media platforms:
Facebook https://www.facebook.com/thejellyace/
YouTube: https://youtube.com/channel/UCpQp6UKqmIFcrBonGw03ehw
Twitter: https://twitter.com/TJellyace (@TJellyace)
Instagram: https://www.instagram.com/tjellyace/ (@tjellyace)