My Account

SUDDEND Band braves the battlefield

share

The Suddend Band was formed in October 2019 when they first participated in the Battle of the Bands (BOTB) at Imusix Place in Imus, Cavite.

Suddend Band Braves The Battlefield

The band comprises of Lenin Buenafrancisca (vocals), Julia Francessa Buenafrancisca (vocals), Angelo Dinglasa (lead guitar), Carl Bryan Bacalla (rhythm guitar), Mark Anthony Cabornay (bassist), and Jonathan Buenaventura (drummer).

Their band was named ‘Suddend’ which means “biglaan” or sudden – attributed to their immediate joining of competition, and adding the letter “D” to be unique.

Mendira Media had a nice chat with the band. “Una naming tugtugan ay November 29, 2019 sa Imusix Place na Battle of the Bands. Hindi man nanalo ay naging masaya pa rin dahil nag-enjoy kami at natuto.  Naging eye-opener yung event para malaman namin kung ano ba ang dapat na ma-enhance sa aming skills at para magkaroon ng self-confidence”.

Suddend Band Braves The Battlefield

After their first salvo, the band joined another BOTB. “Ang pangalawa na tugtugan ay noong December 13, 2019.  Battle of the Bands ito sa school namin. Kami ang nagchampion sa event. Dito nagsimulang makilala yung banda namin sa school. “

From then on, the band headed for more performances and made  plans.  “Last January 16, 2020 ang una naming gig.  Sobrang memorable dahil ito ay “Jam for a Cause”.  Para sa mga nasalantang mga kababayan sa pagputok ng Taal Volcano.  Sobrang natuwa kami dahil nakatugtog na at nakatulong pa. “

“This summer ay kakausap sana kami ng mga productions para magkaroon ng gigs. Pero dahil sa pandemic kaya hindi natuloy.”

Just like other bands, they experienced struggles. “Sa jamming hindi maiiwasan ang magka-inisan dahil may ibang members na hindi inaaral yung song at wala sa focus.  Pero syempre ay masaya rin kasi in the end ay nagiging maayos yung kinakalabasan.”

Ang struggles ng banda ay sa instruments lately kasi wala pang bass yung bassist namin. Kapag sumasali kami sa mga BOTB ay nagrerent pa kami ng bass para may magamit.  Itong January 2020 ay nag-ambagan kami para makabili ng bass at hindi na nagrent.  Minsan problema din ang financial para sa pamasahe or pangrent ng studio. Kaya kung sino na lang ang mayroong pera ay siya na lang muna ang magbabayad.  Give and take lang kumbaga.”

Suddend Band Braves The Battlefield (2)

The band members also share their challenging experiences:

Jonathan:

“The difference in ideas, like sa genre of music.  Kasi we have our own music taste and hindi naman kami pare-parehas ng genre. Kaya pinag-usapan muna namin kung anong genre yung tugtugan namin.”

Lenin:

“Challenge ang resources. Lahat kami sa banda ay mga students pa lang kaya hindi namin afford na magstudio lagi. Kaya nagse-set kami ng practice sa bahay ng leadista namin. Real drum app ang ginagamit ng drummer namin tapos isasaksak lang sa speaker. Tapos yung bahista ay acoustic guitar yung ginagawang bass. Mabuti na lang ay may dalawa kaming electric guitars kaya kahit papaano nakakapag practice pa rin kami.”

Angelo:

“Time management kasi sa isang linggo ay isang beses lang kami nakakapag-practice.  Five days yung pasok then pagSunday naman ay may Church service yung ibang bandmates.  Kaya every Saturday lang talaga yung pratice day namin. Students kami kaya dapat balance pa rin sa studies at sa pagbabanda. Self-study sa kanta and sa freetime ay ciprahin yung song para pagpractice day ay kabisado na namin yung sequence. Konting polish na lang sa songs.”

Mark:

“Financial ang challenge dahil wala pa akong sariling bass kaya need pa magrent.  Ang rules sa mga BOTB is to ‘bring your own instruments’ kaya need talaga magrent. Kaya need mag-ipon.  Nagtatabi ako ng konting pera para makarent ng bass”

Lenin:

“Song choice kami unang nagbe-base.  Kung anong song ba yung malakas maka-audience impact.  Hindi kami gaanong pumipili ng song na masyadong malulupit yung lead, drum solos, and bass lines. Mas pinipili namin ay song na komportable nang tugtugin.”

Carl:

“Self-study ng song kasi mga estudyante kami.  Minsan ay busy yung ibang members kaya hindi nakaka-attend ng practice. Ciprahin yung song then magse-set kami ng jamming para ayusin at linisin yung mga tutugtugin namin.  Then before the event ay magse-set kami ng practice sa studio para mas malinis and maplakado namin yung song bago kami lumaban.”

With all they have been through, the band is thankful to their supporters.  “Isang malaking pasasalamat sa aming pamilya na walang sawang sumusuporta at umiintindi kahit medyo nagiging busy kami at laging wala sa bahay.  Malaking tulong ang support nila.”

“Thank you rin sa mga friends ng bawat member ng banda. Dahil sa inyo kaya lalo kaming nai-eencourage. Syempre kay Quiane, thank you sa tulong mo para ma-feature kami. Thank you rin sa support sa banda namin.  At support din kami sa banda ninyo. Sabay sabay tayong maghilahan pataas. PAWWEERR!”

The band’s advice to fellow artists and bands is to ‘never give up’. “Huwag kayo mapagod sumulat at gumawa ng musika.  Always put your heart sa mga ginagawa ninyo.  At kung may mga struggles na dumating sa inyo ay gawin ninyo itong motivation and encouragement para mas lalong mag-grow as a band. Sipag at tiyaga lang para maaabot ang mga pinapangarap natin. Tutok mata sa langit, paa sa lupa.”

And their message for Mendira Media. “Thank you for the opportunity na binibigay ninyo sa mga indie artists na nagsisimula kagaya namin.  At sana ay huwag kayong magsawang sumuporta sa mga local artists na nagsisimula pa lang.”

Life in reality is like a Battle of the Bands.  Preparation is the key, while determination sets the upward trajectory.  SUDDEND is a new band with members already learning the secrets of the battlefield.  Their life’s lessons will further solidify their bond and make them braver to the challenges of life.

Please support SUDDEND Band, and visit their social media platforms. More success!

Suddend Band Braves The Battlefield

VP Ragus

VP Ragus

Founder, Professional Writer. Seasoned Editor. Integrated Marketing Communications Expert. Beer Drinker.

Leave a Reply

: