Jericho Huntarigo aka Roskva Moller is a 22-year old rapper from Payatas, Quezon City. He uses his storytelling skill to hone his craft.
As a child, this artist was drawn to catchy beats “Nahiligan ko ang rap music noong nasa elementarya pa lang ako dahil iyon ang madalas na marinig sa lugar namin sa Mandaluyong”, say Jericho.
“Sikat pa noon yung “Repablikan at Mike Kosa”. Hanggang sa nalipat ako ng Quezon City para maghigh school. Nahilig pa rin ako sa rap music at namulat din sa ibang genre ng musika.”
Alongside his love for rap, Jericho attempted to do cover songs. “Gusto ko na kumanta noon kahit cover lang kaso hindi bagay sa boses ko. Tsaka mahiyain akong tao. Sa kolehiyo ay nakikinig pa rin ako ng local rap songs. Nung nagkaroon ng lockdown ay wala akong magawa at parang may gusto akong subukan kasi madalas pag mag-isa ako o naliligo ay nagpapatugtog ako ng mga beat tapos babagsakan ko ng freestyle.”
Eventually, he placed his artistic statements to a test. “Nakita ko sa YouTube yung ‘24 bars challenge’ at parang may nagtulak sa akin na gawan yun ng bars. Saglit ko lang din natapos kasi gusto ko talaga siyang sulatan. Doon ko napagtanto na ito pala yung hinahanap ko. Masarap sa pakiramdam kapag natapos mo yung kanta hanggang sa sinubakan ko naman yung ‘16 speedrap lines ni Numerhus’. Ayos naman noong napakinggan ko at hindi makapaniwala na nakagawa ako ng buong kanta. At ito ay naging libangan. Nakasulat ako ng ibang mga kanta na patungkol sa buhay ko, mga karanasan, at mga napapansin sa paligid.”
Wordplay is actively a part of his promising career. “Ito yung nadagdag sa buhay ko, ang pagsulat ng rap songs. Masaya ako kapag nakakasulat ng kanta kasi nailalabas ko yung mga gusto kong sabihin. Mahiyain akong tao at nag-iisang anak lang.”
For Jericho, rap is his way of life. “Hindi ko naman ito ginagawa dahil uso o para gayahin ang iba na sumikat. Ginagawa ko ito kasi masaya ako kahit sa kwarto lang at nagrerecord. Basta mailabas ko lang ang saloobin ko.”
As he enters into the circuit, Jericho is adjusting to a life of gaining more followers. “Hindi ko naman gusto na maging performer sa harap ng madaming tao. Pero sa tuwing kinakanta ko yung mga gawa ko sa harap ng mga kaibigan ko ay sobrang saya ko na. Lalo na pag napapasabay sila.”
Jericho also aspires to popularize his songs. “Pangarap ko din na balang araw, kahit hindi ako kilala sa mukha basta maraming nakakaalam ng aking awit ay masaya na ako. Iyong tumatak sa isipan nila ang mga linya na aking nilikha. Gusto ko makaambag sa sining ng musika.”
His advice to fellow artists is to never lose hope. “Ituloy ninyo lang yung mga nasimulan. Kahit konti lamang ang sumusuporta sa inyo ay huwag kayo panghihinaan ng loob. Ang mahalaga ay masaya kayo sa ginagawa ninyo. Suportahan natin ang bawat isa at huwag tayo maghilaan pababa.”
And his message to Mendira Media: “Maraming salamat sa Mendira kasi natutulungan ninyo ang mga bago palang sa larangan ng musika. Napakagandang pagkakataon ito sa amin para marinig ng iba yung mga obra naming kanta.”
The once laid-back life of Jericho will soon be overshadowed by opportunities. Being Rapper Roskva Moller, he has to embrace the success coming his way.
Follow Jericho Huntarigo aka Roskva Moller on his social media platforms: Facebook Page | Youtube Channel