My Account

JAVES – This solo artist finally joins Loudplay

share

Jayvie Nisnisan aka JAVES is a solo artist and song writer from Cagayan De Oro City.

“Napamahal ako sa music at age 8 at laging sumasali sa mga activities sa school. Masaya ang naging simula at habang lumalaki ay marami akong natututunan”, says Javes.

Javes This Solo Artist Finally Joins Loudplay (5)

“Nagsulat ako ng mga kanta at age 15.  Lumawak lalo yung exposure ko dito sa Cagayan De Oro dahil madalas ako magpeform sa KANTO – sa Kumunidad Open Mic Night. Marami rin akong naging mga kaibigan – sina Jeremiah Lasola (Life Goes On & WLKMAN), Miggy James (WLKMAN & Sulo), Peter Paul Ormochuelos Cañonaso, Sam Salingay (Dramasyne & WLKMAN), Luiz Cabaron (Sulo), Andrew, Ziggy and specially yung may ari ng KANTO na si Miguel Mejia.”

Javes This Solo Artist Finally Joins Loudplay (3)

Javes, by the way, has already written a couple of songs. “Hinihintay ko lang ang right time para mailabas yung mga naisulat kong mga kanta.  At dinadagdagan ko pa para mas marami, mas masaya!”

He has guested in radio programs and mall shows. “Nakapag guest ako sa IFM 99.1, Bombo Radyo, Magnum Radyo, OBM, Ayala Feliz, SM Mall Uptown and Downtown, Limketkai Mall. Lumalawak talaga yung artistry ko.”

Javes This Solo Artist Finally Joins Loudplay (7)

For years, Javes was a solo artist. “Gusto ko talaga magbanda kaso nahihirapan ako na maghanap ng ka-genre ko. Dito kasi sa amin, yung mga genre ay mga metal rock at hiphop.  Kaya napag-isipan ko muna magsolo.”

He shares some experiences as a solo artist. “Sobrang hirap lalo na sa umpisa.  Walang sumusuport sa iyo eh.  Lagi din ako nireremind ng dad ko to prioritize my studies. Pero pinapakita ko na kaya ko pagsabayin ang studies at music.  Dati ring musician si Papa.”

Javes This Solo Artist Finally Joins Loudplay (6)

“Tuwing may event, lahat sila may banda. Ako lang yung wala. Kaya minsan on-the-spot ako naghahanap ng mga musicians para may magsession sa akin. Successful naman but na feel ko na kailangan din kumuha ng ibang tao para makapag practice – lalo na sa mga original songs ko.”

“Maraming beses na rin ako na-bully ng ibang mga musicians. Dahil sa kung paano ko iharap yung sarili ko sa stage.  Lagi nila ako nako-compare kila Unique Salonga at sa IV OF SPADES. Dahil lang sa pag falsetto at sa aking galaw. Pero hinahayaan ko lang kasi dun din ako kumukuha ng lakas para lalo akong maging matatag.”

Javes This Solo Artist Finally Joins Loudplay (1)

Presently, Javes has a song on Spotify and in other music platforms called ‘Sana Kung Pwede Lang’.  “Nasulat ko ito nung Sportfest namin. Nakita ko dumaan yung mga ka-schoolmate ko para manood ng laban at kasama yung isa sa mga dati kong kaibigan. Umupo ako malapit sa kanila at nung kami na ang naglalaro – hindi ko maiwasan na laging mapatingin sa kanya.”

Javes This Solo Artist Finally Joins Loudplay (4)

“Kaya sinubukan ko magpasikat pero kapag tumingin ako sa kanya eh meron syang ibang ginagawa. Pagkatapos ng laro namin ay nabalitaan ko na umuwi na pala siya. Sa bahay, humiga ako pero hindi ko malimutan lahat ng nangyari.  Sabi ko sa sarili ko – ‘kung maibabalik ko lang ang oras’.  Kaya nagka-idea ako. Kinuha ko yung gitara, papel at ballpen para magsulat.  At dun ko nabuo ang kanta na tungkol sa kanya. Maganda yung kahulugan at dun nagsimula kung paano ko na-express yung sarili ko sa kanta.”

Javes thanks those supporting him. “Maraming salamat sa tulong ni Jeremiah Lasola at natutunan ko kung pano i-adjust lahat. Sa mga sumusuporta sa akin lalo na yung girlfriend ko dahil sa tuwing nalulungkot ako eh lagi niyang nagpapagaan ang loob ko.”

Javes has also been busy lately. “Aside sa pagiging solo artist ay mayroon na ring bagong banda na ‘Loudplay’.  Three-piece band kami nila Lance Sanchez at Zack Potter from America. Nakilala ko sila sa isang music event sa Initao, Misamis Oriental. Ako yung pinili nila para maglead at magsusulat ng mga kanta para sa banda namin.  Syempre tinutulungan din nila ako magsulat. Tiwala lang at magiging successful din kami.”

Javes gives this advice to fellow artists: “Lagi natin tandaan na sa umpisa lang mahirap, pero pag tumatagal – worth it talaga.  Huwag ka susuko at gawin mo lang yung gusto mo para magustuhan din ng iba yung gawa mo. Art mo yun at may karapatan ka para mag-express ng sining mo. Maging matatag ka!”

He also has this message for Mendira. “ Nagpapasalamat ako sa Mendira dahil tinutulungan ninyo ang iba pang mga artists. I hope marami pa kayong matulungan na artists and musicians.”

Yes, Javes, Mendirafam is here to support you and Loudplay.

 

Follow Javes on his social media platforms are:

Facebook : https://m.facebook.com/jyvcnsn/?_rdr

YouTube : https://youtu.be/-XGz1nAU43Q

Instagram : @jyvcnsn

Twitter : @Jycnsn

Spotify : https://open.spotify.com/album/6wPV6HSSO9BuKjXKur6EDy?si=1oK2kWMMQ1GG5v4eTbaeEA

VP Ragus

VP Ragus

Founder, Professional Writer. Seasoned Editor. Integrated Marketing Communications Expert. Beer Drinker.

Leave a Reply

: