Frederick C. Fronda II is expressing love through music. Known as Eptu, this aspiring artist from Bacoor, Cavite is in love with music and secretly with this pretty lass who’s inspiring him to compose more songs.
“Music is the biggest part of my life so far. Madaming nabago magmula nung nahilig ako dito. Hindi ko din ine-expect na may ganitong talent pala ako. And I’m thankful at nadiscover ko yon dahil sa isang person hehehe, who made me realize everything talaga. And waiting pa rin ako kung saan ako dadalhin ng music ko.”
His influences include Kiyo, Alisson Shore, Shortone, Calvin De Leon, Matthaios, Himig Borhuh. “As of now wala pang label ang genre ko kasi I want to explore other genre. Para hindi lang sa iisang melody ako magstay or tone. Gusto ko na may iba pang makakakita at makakarinig sa akin.”
He started composing songs in 2018. “Sa pamamagitan ng iba’t ibang instrumentals/beats sa YouTube. Hindi ko lang itinuloy kasi sobrang baba pa ng confidence ko nun and hindi pa talaga ako ganon karunong gumawa ng flow and melodies. So hindi ko na tinuloy.”
This 2020, Eptu finally put his talent to good use. “Saktong nag-ECQ nung March at pinauwi kaming lahat mula sa dorm ng academy. Then nagstart na yung online classes. Tutal nasa bahay lang naman ako kasi bawal pa lumabas, naghanap ako ng pwedeng paglibangan. Ayun sinubukan ko ulit magsulat ng song and saktong may natitipuhan ako that time. Hindi nya alam na gusto ko sya, so I tried confessing my love through music – at nakahanap ako ng beat.”
“Nung una biru-biruan lang then I called my friend, (special mention kay Den Mae Tayaban for helping me mapaganda yung song and siya din nag-isip ng title). And tumawag ako sa kanya through messenger and nag-on the spot composing ako… then boom! Hanggang sa nagkaroon na ako ng lakas ng loob ipost sa mga social media platforms lalo na sa YouTube. And this song is entitled “Lihim Pt1”
His first composition gained more than a thousand views. “Hindi ko talaga inexpect na papatok at umabot sa 1.3k views. Konti pa lang yun para sa iba pero sobrang laking bagay na sa akin. At dun nagsimula na ako magsulat ng mas marami. Sa music ko talaga nilalabas lahat ng mga hindi ko masabi sa kanya hahaha. Hanggang sa maenjoy ko na and yes – maski sa music ay na-inlove na din ako. In the works na rin yung Lihim Pt2 hehehe. ”
His challenges include balancing online classes and composing more songs. “Medyo may challenge kasi may mga responsibilidad ako sa online classes na kailangan talagang tapusin. Pero I still try to write songs pag may free time ako. Sometimes din I tend to overthink on things lalo na dun sa person na nagugustuhan ko pa rin hanggang ngayon. You know, as usual, millennial problems nowadays. Hahaha! Pero still I’m trying to be strong and happy kasi wala namang rason para hindi ka maging masaya.”
Eptu has people to thank for supporting him. “My family na patuloy na sumusoporta at naniniwala sa akin. And mga friends ko na hindi nagsasawang sumuporta lalo na pag may mga onine gigs ako. Thank you sa inyo. At sa mga taong hindi ko man nakikita ang presence nila pero secretly expressing their support, thank you sa inyo!”
And with the Yuletide Season comes more songs which Eptu is excited to announce. “I’m now working on 2 Christmas tracks na hopefully marelease before Christmas. Ngayon natapos ko na yung 5 songs and still working on 5 more. Kasi 10 songs ang isasama ko sa album entitled ‘Summer at Midnight’ na irerelease on January 2021 para sa pagsalubong ng taon.”
He also has several pieces of advice for fellow aspiring artists. “It’s okay to encounter trials and commit errors kasi dun ka talaga matututo and magiimprove. Also, number one na kaugalian sa isang artist ay respeto at pagiging mapagkumbaba sa sarili at sa mga taong nasa paligid.”
“Don’t give up on your dreams. Chase it! Yes, madaming challenges sa buhay at struggles pero wala ka naman magagawa kundi harapin at lagpasan ito. Kasi kung feeling mo na walang naniniwala sa iyo at napapanghinaan ka na ng loob – pwes, sobrang layo ng iniisip mo sa realidad. Madami dyan na di mo akalain na patuloy ang pagsuporta at umaasa sa iyo. Madami dyan na di mo alam na naiinspire mo rin, di ba?
“Don’t mind other people na nagbabato sa iyo ng negative comments. Huwag ka magpaapekto. It’s okay to remove toxic people in your life lalo na pag hindi sila nakakatulong sa pag grow mo. Grow, learn, and be happy by your own self. Kasi ang friends mo nandiyan lagi para suportahan ka. At ang family mo para gabayan ka. Pero at the end of the day – you only have yourself to rely on.”
“Ang kasiyahan mo? Nasa sa iyo na iyan! Pero kung sino ka man na nagbabasa nito – please choose to be happy. Piliin mo din kung saan ka mas sasaya. Hindi lang din ito sa mga artist and musicians kundi para sa lahat ng nangangarap dyan na konti-konti na lang ay susuko na at nawawalan ng pag-asa. Madaming rason para maging masaya! Huwag mo sayangin yon!”
“Madaming opportunities na nagaabang sa iyo! And please continue achieving your dreams. Pag napagod magpahinga ka din. Walang masama. Heal yourself step by step and if okay ka na, go ulit! Huwag mo lunurin sarili mo sa kaka-overthink and sa lungkot okay?”
“I’m hoping and praying for your success and happiness! Asahan mo na you will be the best version of yourself and the happiest person on earth basta choose what’s best for you! Aabangan ka pa namin sa TV! Someday you will be somebody!”
“Just be yourself at all times and always be humble. Spread support and positivity sa lahat ng aspiring artists! Sabay sabay tayo magiging successful at magiging masaya! Claim it!”
Eptu’s message for Mendira: “Special thanks to Mendira for giving me this opportunity upang ibahagi kung paano ako nagsimula at yung process na ginagawa ko for my future career. It’s been a great experience para sa akin ang mai-share sa inyo kung ano mga natutunan ko at kung paano ko nako-control at naha-handle ang mga bagay sa paligid ko.”
“Nawa’y madami pang artists ang ma-feature sa Mendira at marami pa ang maka-inspire sa kuwento nila. Hoping na sana mas lumaki ang Mendira Family! At marami pang matulungang artists lalo na sa larangan ng music!”
In the coming days, Eptu’s followers will be thrilled! “Mas papakiligin ko pa ang mga tenga nyo! Stay tuned for more updates of me sa Mendira! Once again, I’m Eptu! Peace out!”
Follow Eptu’s social media platforms:
Facebook: https://www.facebook.com/eptututu
YouTube: https://www.youtube.com/channel/UC6zWIHC6Zhz8nrbYf_ewUwA?view_as=subscriber
Instagram: https://www.instagram.com/eptuuu/